Wednesday, June 10, 2009

a suffering

kay ate na nagffollow ng blog qoh, hello:)) hehe.

i won't blog muna tungkol sa kanya. kc, wala akong inspirasyon. haha.


----------------------Ü-----------------
share lang:))


di ko lam baket ako pinanganak ng maraming sakit. thank God walang death threatening.
masakit na rin ulo ng nanay ko, baket ako naging ganto. haha:)) sorry naman.

asthma. nung bata pa daw ako, madalas daw ako hikain. good thing, we had a doctor who checks up on us for free. mabaet sila samen eh:) tapos my nails started to look creepy. it was a result from the asthma daw. nung elementary days, never niyo siguro ako makikitang magslippers for practices. lageng nakarubber shoes. tapos pag nakikipaglaro sa kaibigan sa kalye, hindi ako gumagamit ng flipflops. ginagamit ko ung tsinelas na pangmatanda na may 'used' na nakatatak para matago yung nails ko. kasi yung itsura niya, parang naging makapal at medyo maitim. ang hideous tignan. swear. haha.:)) yung sa kamay naman, naging rough at may lines na kakaiba. pero not as hideous sa paa. tae, hindi ko maexplain. kaya ang panget ng kamay ko.

as i grew old, yung nails ko sa paa, naging mapute na. medyo naging maayos. bute naman. nagkaguts ako magflipflops. kaso, ang pute ng paa ko. result sa laging hindi pagexpose ng paa. hehe:)) ingget nga c ina sa paa ko eh, kc whatever shoes or slippers i try on, bumabagay sa paa ko. i'm not bragging, sbi lang ni ina:)

menstrual flow. oo, madalas sa ateng mga kababaihan ang dysmenorrhea. grabe saket noh? ung tipong di ka makalakad ng maayos dahil nangangalay ng bonggang bongga ang hips mu. ang saket ng puson na gusto mu na lang mahimatay. how about experiencing it twice a month? tae di ba? meron akong naexperience na sa four consecutive months, twice a month ako nagkakaroon. beyond irregular, shit. haha. :)) napakaoveractive ng period. at nagkaresulta yan sa katawan ko.

gastroenteritis. hindi ko alam kung dumating na sa peptic ulcer yan. early high school days, humahapdi tiyan ko ng bonggang bongga. tapos nung fourth year, 3rd quarter exams, absent ako sa 3rd day ng test. kasi di ko na talaga kinaya yung sakit. pero syempre, due to hard-headedness, binalewala ko. softdrinks, junkfood, candy. yan ang diet ko. kahit ilang saway saken si bulan, care ko, katawan ko naman. :))

fourth quarter exams na. ung week na un. di ako umattend ng klase. di ako nakapag perio kasama mga classmates ko.

and that week was like hell.

sunday ng madaling araw, nagising ako dahil sa matinding pananakit ng tiyan. alam ko, susuka ako. memoryado ko na ung feeling kong yun.

ede sinuka ko naman. akala ko tapos na. kasi somehow you'll feel relieved eh. pero pagkahiga ko ulet. tentenenen. nasusuka na naman ako. sumuka nga ako. tae nakakapagod. humiga ako ng mga twenty minutes. pagkatapos nun, tentenenen. nasusuka na naman ako. limang beses nangyari yan. at kasabay ng tuwing pagsuka, dudumi ka. lahat ng nsa tiyan kong pagkain at tubig sinuka ko. pinapainom ako ni ina ng gamot, ayoko nga. kasi isusuka ko din. pinapainom ako ni ina ng tubig, ayoko din. kasi isusuka ko lang din. i lost a lot of water. exhausted tlga ako.

kala ko tapos na kalbaryo ko sa pagsuka. meron pa, yung pinakahuli, di ako makakuha ng hininga. malapit na ko magcollapse, bute dumating nanay ko sa cr. sabi ko, di na ko makahinga, ayun, tentenenen. sugod sa hospital. :)) bute andun tito ko at handa kotse niya.

uti. sabi ng doctor sa hospital, meron daw ako nun. masyadong acidic mga laman ng tiyan ko. tapos yun lang findings saken s hospital na yun. the next days, humahapdi tiyan ko. kaya sabi ni ina, wag muna ako pumasok within the week.

pumunta kami sa isa pang doctor na bago kasi nasa states na nga ung doc tlga namen. tinusukan at kinuhaan ng dugo para malaman kung ulcer o hindi. hindi ko malaman kng panu nila nagawa un. at ang sabi ay gastro lang daw. pero di naniniwala si bulan na gastro lang yun. kasi, baket naman it hurts like hell? at lahat ng kinakakaen ko lumalabas ng sistema ko? tapos gastro lang? ang OA ng ex-bes ko:)) kasi aside from the family, siya lang nakakita saken na sumuka ng sunod sunod ng bonggang bongga. pootek, reunion pa naman un ng becquerel T.T ako rin medyo di naniniwalang gastro lang yun. kasi di pa talaga tinignan yun sa loob. itong sakit din ang dahilan kung baket ako pumayat ng bonggang bonnga.

cyst. summer bago mgthird year, nakapa ko sa left breast. syempre, pagbukol sa part na yun, may second thoughts na baka delikado. so yun, pinabiopsy. ang shitty ng feeling. walang anaesthesia. pero ilang minutes lang naman.

ayun di naman malignant. resulta ng pagka overactive ng period. kaya, di namen pinansin.

hanggang sa lumaki.


dumalaw ulet dito ung doc namen, at pinayuhan na mas mabuting ipatanggal. sabi ko, okay lang. an operation won't hurt that much. tsaka sabi ni tito bertie at tita cyril(docs namen^^), it would be light lang. kaya i didn't worry too much, di katulad ni ina at ni kenut. so aun. last friday (06.05.2009) nagundergo ako ng operation. poocha.

ako'y nakahiga sa operating bed at nagdadasal na sana it won't hurt too much.

ang saket ng tusok ng anasthesia. dalawang beses kong nafeel ang shitty na tusok. sabi ng phsyician, don't worry, after nito wala kang mararamdaman. ayun, wala na nga. hiniwa na balat ko, at nilocate ang bukol. hayop. ang bigat ng feeling.

napakasensitive ng breast. at pag dinaganan, masakit tlga. un ang naramdaman ko for the whole 40 minutes. tpos parang hinuhugutan ng laman. tapos isang gupit ata sa tissue, naramdaman ko. nag ouch ako ng bonggang bongga. nagsorry si doc. at may tinusok ule. sabi niya mag aray lang ako pag may naramdamang sakit. eh pede ba every second magouch ako?

ayun, natanggal na. pinakita saken ang cyst. ayun, kasing lake na ng holen. at baket pa daw pinatagal ng ganun.

ayun. stitching. haha. ang shitty din. sa isang stitch doc pulled the string too hard. nag'fuck' pa nga siya eh. haha. :)) ayun. pinakita muna saken ung stitch bago takpan. ang kulet ng hitsura. may ribbon sa magkabilang dulo:)) at sinabi niya saken, 'wag kang magalala. gaganda ulet yan.' ok salamat. o.O

dextroscoliosis. i found out i had it nung nagpamedical clearance sa PUP. nagxray ako at may findings na ganun. ang shitty. oo, lagi ako kumukuba pag naglalakad o kahit nakaupo. haha:)) tpos payo ni tito bertie, don't carry too much heavy things. sabi ko oo na lang at di ko masyadong pinapansin.

tapos natakot ako sa sinabi ni ina. 'kung ikaw hindi magiging conscious sa posture, ipapabrace ka namen ni tita cyril. masakit yun at bawal humiga.'

poocha. natakot ako dun. pero seryoso sila. pero di pa rin ako nagiging conscious sa katawan. toink.

another cyst. pootek. nalaman lang namen toh nung nagpaopera. may cyst ako sa left armpit. shit. haha:)) pero di ko pinapansin. ang ganda.


oh well. life's really unfair for me.


cheers!:)

2 comments:

  1. ang dami mo namang complications..well, that's life..buti nothing can be life threatening girl..sana magpost ka ulit agad bout 'him'..hehehehe..at wait, sino nga pala si Bulan..madami kasi akong nababasang blog na binabanggot siya..hehehehe..curious lang.. :D

    ReplyDelete
  2. .hehe:)) si kevin bulanhagui. 'ex bestfriend' ko:)) haha:))

    ReplyDelete