Wednesday, May 20, 2009

i'm a fool out of love

first time blogging about HIM.
pero sana no one would see this.
para peace ^^v

hay. it's been 5 months. na we're treating each other as MORE THAN FRIENDS. MORE THAN MAG-KUYA. at hindi ko lubos akalain na magiging ganito kami. thank God for giving him to me. really. parang no one thought we would be like this.

he's really something to me. he's half of my life. a significant half. OA ba? pero it's the truth. parang 'i can't live without him' or 'my life would suck without him'. ang cheesy ^^


ilalahad ko na lang dito ang storyang hindi siguro lubos aakalain ng mga kaibigan namen na mangyayare. pero to some, alam na nila. but not the whole of it.

so wala naman akong kausap dito. kundi ang mga taong accidentally na mapupunta sa blog na toh. wuahaha:))


i'll start from the beginning (malamang^^).


hm. pano ba kami nagkakilala? o yeah. para sa band. mga musically inclined. huwaw naman. haha:))

ganto yun. ako'y isang taga maksci. sa maksci, may battle of the bands. bumuo kame ng banda nina jed, kevin, padu, jessica at ako. ngunit wala kaming alam sa pagbabanda. wala akong alam sa paglelead. wala. hehe. so si master jed, na dapat ay drummer namen, nagpaturo sa kuya. at nagpatulong sa kanya para mabuo ang pinapangarap na banda.

i can't remember if we were the one who went to their house o ang kuya ni jed ang sumunod sa studio. basta nakita ko siya.

sa studio. i saw him. medyo mataray ang pagmumuka. pero i noticed his deep set of eyes and gorgeous hands. he came from his sleep kaya ang kanyang curly hair mas naging malago. hehe peace ^^v.

actually i was scared to talk to him. kasi nga. mataray mukha niya. and feeling ko, nainis siya kasi binulabog namen siya para turuan kami.

so there. he thought me how to play advanced guitar. huwaw advanced. kasi tabobo ako. magleleead ako i didn't know how to use power chords. di ba?? forgive me, first year pa lang naman ako nun. so he thought me that. unang natutunan ko sa kanya. :))

so ayun. nothing happened. meron pala. binuo namen ang the day you said goodnight ng hale. soundcheck lang yun pare. hanep.

then we said our goodbyes. i thanked him. by the way, his name is KEENE. and it was my first encounter with him, 4 years ago.

so yun. nagback out din kame sa battle of the bands. dahil wala nga kame napala. hehe.

after a year.syempre second year na kame. bumuo ulet kame ng banda. this time, may mga bagong members at umalis si padu. so it was i, kevin, jed, jessica, colene and jenine na. eto na. lumakas loob namen sumali ule.

dahil sa magandang loob ni kuya keene, he thought us na talaga. bulan (kevin) and i called him the master, the mr. one-man-band. kasi lahat alam niya. sa paggitara, sa pagbass, lalo na sa pagddrums. kaya lahat kame, naturuan niya. lahat kame was like wow.

eto nakakatuwa. since close na kame ni jenine nun. she confessed to me na she liked kuya keene. ako naman. waw ha. suportanta ka:) so ironic ba?:))

so habang practice para sa battle of the bands, may kulitan moments. i never thought na ganun siya kakulit. si kuya keene:) so i was a bit fond of him. :)) XD

nangyari ang battle. may nakilala pa kami na kaibigan ni kuya keene, si kuya ryan. we saw him na lang sa araw talaga ng battle. so ayun. may bago kameng friendship. mabaet din at kwela. magkasama sila ni kuya keene sa kulitan.

after na ng battle, ayun. so syempre, hindi na kame naguusap. eh eto, bongga. si jenine syempre may gusto kay kuya keene, hiningi ang cp number.

so nagkkwento saken si jenine. parang siya lage gumagawa ng first step para makatext siya. so kunware nagwwrong send siya pero meant for him. natutuwa lang ako sa mga kwento niya dahil she's so kilig pag nababanggit pangalan niya. :)) ako todo suporta. hehe.

dumating ang time na kailangan pumunta ng hawaii si jenine. kaya she made the most out of it. dahil nga gusto niya makasama si kuya keene on her last few weeks. nagplano siya ng mga galaan sa market market. syempre sinama ako. andun rin si jed. so eto ang magkakasama lage sa galaan. i, jenine, jed, kuya keene, kuya ryan, kuya iñaki. idagdag pa si marky ata un:)) can't remember.

(si kuya iñaki ay nakilala namen din sa battle dahil siya ay isang judge nun. e katropa pala nina kuya keene, so bongga. :)) )

doon nagsimula ang pagiging close nameng lahat. kulitan to max ever. kame ni jenine, super tawa na lang pag magkkwentuhan ang tatlong kuya. we con't contain our joy. ang saya nilang kasama swear. para akong nasa comedy bar pag sila mga kasama ko. hehe.

ayun naging close kame. medyo nakakatext ko na si kuya keene nun. actually, inaasar ako minsan dun. pero hindi masyado kasi hindi ko siya masyadong pinagtutuunan ng pansin nun. dahil baka sabihin ni jenine, inaagaw ko siya.

despedida ni jenine. sa market ginanap ulet. opkors:)) hehe. hindi ko malilimutan toh. kame ulet magkakasama.

ang kulit na naman nila. binalak nilang gumawa ng shirt for jenine. tae ako pa nga nagbayad eh. hehe:)) pero check lang. i didn't mind. green shirt binili namen. dahil nga surprise ang tshirt, plinano nameng ihiwalay si jenine.

so kasama ko si kuya keene and jed pero hindi pa namen kasama si kuya ryan nun. tapos sinabi namen kay kuya iñaki na ihiwalay si jenine. so ayun. sinama siya sa net shop. kameng tatlo
naghanap ng tshirt. ayun, dahil dinala ko yung fabric paint ko. nagsulat muna ako. tapos yung magtunay na kuya. tapos dumating si kuya ryan. tapos, turn ko na na iwala si jenine para makasulat si kuya iñaki. so ayun.

nalaman din niya ang plano. pero bute na lang tapos na ang tshirt:)) hehe. binigay na sa kanya. chibugan na.:))

di ko alam kung baket sa greenwich kame napadpad. ayun. ang kulet na ng mga pangyayare.

actually, pumili kame kung sa greenwich ba o yung katabi nun. hindi ko maalala kung ano yun.:))
hahah:)) nakakatuwa kasi bumilog kameng lahat sa gitna para mag toss ng coin kung greenwich o yung katabi. hahaha:)) so ayun. greenwich.

kainan. kwentuhan. tawanan. grabeh. hindi ako nakakain masyado dahil ang takaw nila. ang tahimik ko nun dahil nakikinig lang talaga ako sa kanila. tae kahit ngayon natatawa pa rin ako sa nangyare. it was a blast. sooooooooopppppppppeeeeeeeeeerrrrrrrrr.

tapos ayun. kinailangan ng umalis ni jenine. you know what's funny. sabi ni kuya keene sa kanya. malay mo pagbalik mo dito, kame na ni rosario. hahaha. malamang hindi niya maalala na sinabi niya yun.

ako naman, wala lang. hehe:)) tumawa lang sa sinabi niyang yun. pero ang sabi ni jenine saken, 'bantayan mo si kuya keene ha'. ako naman. oo na lang:))

tapos umalis na si jenine. pero tuloy pa rin ang komunikasyon.

actually, pagkaalis niya. dito nagumpisa ang lahat. ang pagiging mas close namen ni kuya keene.

he was the first one who texted me. ung hindi na para sa emergency o kailanganin. yun talagang as friends na. so out of respect, nagrereply ako sa kanya.

nagulat ako sa kanya. he told me i was beautiful ^^ aww. sabi ko. hindi. kasi di ba, hindi naman talaga. heheh:)) tapos ayun. parang lage na kame magkatext pagkatapos nun. naisip ko, siguro kaya lang ako tinetext nito kasi wala na si jenine. haha :))

tapos halos everyday na talaga kaming magkatext. naguusap about random things. tapos nagkkwento about the girls he had. hehe:))

tapos. aba. may nagselos saken. si ate camille. kapatid ni colene. na hinaharot ni kuya keene. tapos i really don't know kung naging magka MU sila. kasi alam ko kuya keene still had a thing for ate ruth(metarikku). kaya ayon. sinasabi saken ni colene na. hala, nagseselos sayo ate ko. ako, nagsorry agad sa text kay ate camille. tapos sabi niya lang, wala yun noh. hindi dapat. kasi out of place. kaya ayun. ayos naman.

pero tuloy pa rin kame ni kuya keene sa pagtetext. inaasar pa nga ako ni erine na. wui ano mo yan. sinasabi ko lang. wala kaibigan. hehe:)) pero don't get me wrong ha. kasi wala naman talaga akong nararamdaman para sa kanya nun. kahit minsan ang sweet ng mga sinasabi niya. ang sweet ng mga tinetext niya. kasi i had a thing for someone else. yun ay si kevin. kabanda ko. kaibigan kong matalik. hehe.

***to be continued

2 comments:

  1. namaan!!PAMBITIN HA.. ANNOYING..:))

    naks..:) second year pa kita inaasar nun db?:)

    yihee! nyahaha..:))


    specila mention pko ha?:))

    ReplyDelete